“Honour and Excellence,” a Memory from More Than a Decade Ago

Posted in Akademik, Diary, Inglisero with tags , , , , , , , , on Setyembre 29, 2021 by R. P. Pineda

A few weeks ago, when I was conversing with an office mate about college life, I was reminded of this last lecture by Prof. Monsod I attended more than a decade ago. I uttered “Honour and Excellence” in response to her question regarding the university motto in the video (link below).

As I am reflecting on a ton of my memories these days, I think this moment had a longer-lasting impact on my mindset and actions in my adult life than I actually admit. I became idealistic of how governance should be conducted in this country: I was determined to join the civil service back then, despite getting a first job that I might have excelled at, if I decided to continue it.

Even if times are now difficult in the country, I am still staying in my current work. Even if I have learned and experienced a lot of better things in foreign lands, I am still here, trying my best to serve and to survive.

I am not sure if I should be thankful of this instilled nationalism in me or whatever. It’s like a wire inside my machine that I could not get rid of, so I am now like this…

But I am still holding on.

Prof. Monsod’s lecture back in October 2010

Shaved My Hair for the Weekend and a Few Points of Reflection

Posted in Diary, Inglisero, Snapshots with tags , , on Setyembre 11, 2021 by R. P. Pineda

I am used to doing most things for survival myself. With the pandemic these days, my self-sufficiency now include giving myself a haircut.

As I was shaving my hair, I also got to reflect on my recent (horrible) experiences with people around me. Why do I keep gravitating toward someone again, when they have betrayed my trust over and over? I scrolled back to a Facebook post before where I wrote something about letting them go, and yet I still kept them involved in my personal space these days. Maybe because I saw an effort in them to try winning my trust back, and I gave in when I weighed all the things we did back then? Maybe I am just a loser who cannot break a cycle of manipulation? Maybe I am just too transparent to everyone, so a little more opaqueness in my thoughts and feelings would help me shield myself? Okay, I need to be more cautious and brace myself.

I would also tolerate disrespect no more. I am usually a confrontational person – I would tell someone what is wrong with them, whether in person or at least in a private message. They would most likely hate me for being angry/serious/“toxic” because of this, but hey, I have been adjusting to their bad habits and manners for the longest time, to the point that my health is getting affected! It is only fair that they should be called out for their wrongdoings.

And this person who is causing me a lot of problems these days, I need to find a way on how to deal with them. I have been patient, accommodating, communicative, and respectful of boundaries, but they have been rude, arrogant, and unprofessional for months toward me! I am not sure on what to do next, but I will try to figure it out.

I also realised that many people would only flock to you when you are winning and in great spirits; when you are down and nowhere to go, they’ll even kick you in the shins. Most of the time, only a person could fathom his own depth. Thus, I need to build my fortitude even more to provide resistance against those fair-weathered people.

Now, I feel a little lighter. Grateful for at least a person who keeps listening to me despite these difficult thoughts. I am also readying myself to do a lot of things for the forthcoming week.

Here is my shaved hair as proof of my self-sustenance. Haha. 😆

Double Standards in the Shuttle Service

Posted in Akademik, Diary, Inglisero with tags , , , , , on Setyembre 7, 2021 by R. P. Pineda

Uttered in the same breath by a coworker in the shuttle service this morning:

“Nakakainis yung mga nagra-rally na health workers, di na naawa sa mga naninilbihan ng tapat sa gobyerno.”

“Iyan kasing si Duque, bakit pa kasi ayaw mag-resign?”

See what the problem is? Double standards and hypocrisy. You want an incompetent official to resign, and yet you condemn those who demand accountability? Like, what the heck should they do, ask nicely?

History shows that revolutions happened because people were angry and wanted change. They did not plead or request – they voiced out their loudest; they took action. They channeled their anger toward the authorities who were doing them injustice. Jose Rizal wrote his novels criticising the colonisers, while the Katipuneros raised their arms.

I just chose not to speak up in the shuttle service earlier, my inner peace would be depleted for today if ever. But I am now writing this post because it might make someone who reads this realise how they are having double standards themselves.

And yes, I am angry at all the atrocities happening now, too.

Homemade Burgers, Yay!

Posted in Diary, Inglisero, Snapshots with tags , , , , on Agosto 30, 2021 by R. P. Pineda

I thought of making something different for my dinner tonight and for my packed food at work tomorrow. So, I made my version of homemade burgers.

For each burger bun, I assembled two crispy patties (I should opt for juicier patties next time), fried egg, quick-melting cheese, slices of tomatoes and cucumbers, lettuce, mayonnaise, and sriracha chili sauce. I did my best to stack them, and yet they leaned like that. Aesthetic asymmetry is achieved, at least. Haha. 🍔

Zark’s at home. Haha

Isang Muling Tagumpay ng Aking Panulat

Posted in Akademik, Diary with tags , , , , on Agosto 27, 2021 by R. P. Pineda

(Inilahok ko ang sanaysay na ito sa patimpalak na ginanap sa aming Kagawaran para sa Buwan ng Wika ngayong taon. Masuwerte ako at nagustuhan ng mga hurado ang aking akda: sa dalawampu’t walong lahok na sanaysay mula sa mga kawani ng aming Kagawaran sa buong bansa, ang aking sanaysay ay napili bilang Ikatlong Gantimpala. Iginawad ang pagkilala sa aking akda ngayong Agosto 27, 2021. Natutuwa akong may mahika pa ring taglay ang aking panulat.)

Paksa: Filipino at Wikang Katutubo, wika ng transaksiyon sa mga tanggapan at ahensiya sa makabagong panahon

Lubos na sumasainyo: Paggamit ng wikang Filipino sa ating Kagawaran bilang unang hakbang tungo sa dekolonisasyon

Ang wika ang siyang nagpapahayag ng mga kaisipan at mithiin ng isang bayan.

– Pangulong Manuel L. Quezon

Ang wika ang daluyan ng kultura ng kamalayan ng isang bayan. Sinasalamin nito ang diwa ng bawat isang mamamayan sa araw-araw – ang bawat saloobing kaniyang isinasaalang-alang, ang bawat salitang namumutawi sa kaniyang bibig, at ang bawat kilos na nakabatay sa kaniyang mga mithiin. Samakatuwid, hindi mapaghihiwalay ang wika at kultura, sapagkat ang kalahatan ng buhay ng tao ang salig ng mga ito.

Ngunit sa konteksto ng transaksiyon sa tanggapan at ahensiya sa makabagong panahon, paano sinasalamin ng wikang ginagamit natin ang mga kaisipan at mithiin natin bilang isang bansa? Batid ko at ng karamihan sa atin na ang karaniwang wikang gamit sa ating mga tanggapan ay Ingles. Karamihan sa mga dokumento ng ating Kagawaran ay nakalimbag sa wikang Ingles. Subalit ang kultura ba talaga nating mga kawani ng pamahalaan ay Ingles o maka-Kanluranin? May paraan ba upang mapagyaman natin ang ating mga sariling wika sa loob ng ating mga tanggapan?

May mga prinsipyong pinanghahawakan ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) upang mapangalagaan ang mga wikang katutubo. Una, ang pagkilala sa karapatan sa paggamit ng sariling wika. Anuman ang wikang kinagisnan – Tagalog, Ilocano, Waray, Hiligaynon, Chavacano, Cebuano, o Bicolano, o alinman sa higit na isandaang wikang matatagpuan sa Pilipinas ayon sa mga linggwistiko – karapatan ng isang tao na gumamit ng kaniyang mother tongue nang walang balakid o anumang panghuhusga mula sa iba.

Ikalawa, ang pagsasama ng mga gumagamit ng wikang katutubo tungo sa pagsasaalang-alang ng mga pasiya hinggil sa pag-unlad. Mararamdaman lamang ng isang tao na kabilang siya sa pagsasakatuparan ng isang adhikain kapag mayroong tulay na mag-uugnay sa kaniya sa isang gawain. Ang tulay upang makamit ito ay ang kaniyang sariling wika.

Ikatlo, ang pagpapatibay ng mga gawaing napagkasunduan pagkatapos gumugol ng lakas, panahon, at pagkukunang-yaman. Kapag palagiang ginagamit ang wika sa mga karaniwang gawaing may kinalaman sa pagtustos sa mga pangunahing pangangailangan, nagiging natural ang daloy ng isang wika sa buhay ng mga tao.

Ikaapat, ang pagtutulungan ng mga maykapangyarihan upang mapaigting ang isang wika. Malaking salik ang mga ahensiyang may kinalaman sa edukasyon, agrikultura, kapayapaan, pananalapi, at iba pang tanggapang nagtataguyod ng pangunahing pangangailangan ng mga tao upang mapalaganap ang paggamit ng isang wika.

Panghuli, ang pagbibigay-kapangyarihan sa mga gumagamit ng wikang katutubo upang makapagpatuloy sa mga nakamit nito sa pag-unlad ng mga tao. Kapag ang isang wika ay nagiging bernakulo ng pagpapasiyang panlipunan, malaking bagay ito upang magpatuloy ang pag-agos nito sa kaluluwa ng mga pamayanan, lumipas man ang mga henerasyon.

Kaya sa ganang akin, ang atas ng ating Kagawaran na gamitin ang wikang Filipino at katutubo sa lahat ng opisyal na pakikipagtalastasan nito ay isang munting hakbang upang isulong ang pagpapayaman sa mga ito. Sa isang simpleng atas ng Kalihim sa lahat ng mga kawani ng Kagawaran, sinaklaw nito ang limang prinsipyo ng KWF hinggil sa pangangalaga ng wikang katutubo (na kinabibilangan ng Filipino) sa konteksto ng ating mga tanggapan: kinikilala ng atas na ito ang Filipino at mga wikang katutubo sa mga rehiyon; isinama ang paggamit ng sariling wika sa mga layunin ng Kagawaran; pinagtitibay sa buhay ng mga kawani ng Kagawaran ang paggamit ng Filipino at katutubong wika sa bawat araw ng pakikipag-usap sa mga kliyente; at bilang isang makapangyarihang ahensiya sa bansa, sinusuportahan ng Kagawaran ang layuning mapag-igting ang paggamit ng Filipino at mga katutubong wika hindi lamang sa pang-araw-araw na gawain kundi maging sa mga opisyal na pagpapatupad ng mandato nito.

Alam kong hindi madali sa ating lahat na isalin ang mga kinagisnang memorandum at liham na naka-Ingles, ngunit kailan ba naging madali ang paghahanap sa sarili? Bilang isang Pilipino, naniniwala akong isang malaking bahagi ng ating pagkakakilanlan ang sariling wika. Kapag malulupig natin ang ideyang hindi kayang isakatuparan ang paggamit ng Filipino sa ating mga tanggapan – na ang wikang Filipino ay hindi lamang pambahay o pangkanto, kundi kapantay ng wikang Ingles at iba pang mga wikang pang-internasiyonal pagdating sa mga transaksiyon ng mga ahensiya at tanggapan sa makabagong panahon – masasabi lamang nating may pag-usad tayo sa dekolonisasyon ng ating bansa.

At para lubos na sumainyo ang lahat ng ito, mainam na sikaping isulat ang iyong takdang papel ngayong araw na ito sa wikang Filipino. #